Home NATIONWIDE PBBM sa int’l investors: Pinas, handa na; mamuhunan na kayo

PBBM sa int’l investors: Pinas, handa na; mamuhunan na kayo

224
0

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na SONA na mamuhunan ang mga dayuhang negosyo sa kakayahan ng Pilipino at sa agrikultura ng bansa.

Aniya, palalakasin ng gobyerno ang mga industriya gaya ng paggawa ng sasakyan, electronics, biotechnology, gamot, tela, Halal food, konstruksyon, at enerhiya.

“Mensahe ko sa pandaigdigang negosyo: Handa na ang Pilipinas. Mamuhunan kayo sa Pilipino,” ani Marcos, binigyang-diin ang husay at sipag ng manggagawang Pilipino.

Binanggit din niya ang CREATE More law na nilagdaan noong 2024, na nagpapataas ng investment threshold mula ₱1 bilyon sa ₱15 bilyon at nagbibigay ng VAT exemption sa ilang serbisyo upang hikayatin ang mga mamumuhunan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here