MANILA, Philippines – Sa ika-108 na kaarawan ng kanyang ama, nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Batac, Ilocos Norte.
Kasama ang Unang Pamilya, nag-alay siya ng korona ng bulaklak sa Marcos Monument bilang paggunita sa pamana ng kanyang ama.
Sa kanyang social media post, sinabi ni Marcos na araw-araw niyang bitbit ang mga aral ng ama.
“They remain etched in every decision I make, especially in the moments when the weight of responsibility feels heaviest. You may no longer walk among us, but your presence lives on in our hearts, in this nation and in the path we continue to build. I miss you, today and always.” RNT