Home NATIONWIDE PBBM sa kapayapaan sa Tawi-Tawi: ‘Di pa tapos ang misyon

PBBM sa kapayapaan sa Tawi-Tawi: ‘Di pa tapos ang misyon

MANILA, Philippines- Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘development’ ng kapayapaan sa Tawi-tawi na inilarawan niya bilang dating “ground zero” para sa mga rebelde.

“Tawi-Tawi was the ground zero, dito ang takbuhan ng mga fighters dati, lahat ng mga kinukuha ay dinadala dito, tinatago dito,” ayon kay Pangulong Marcos sa naging pagbisita nito sa 2nd Marine Brigade sa Marine Barracks Domingo Deluana.

“Ngayon, imbes na naglalabanan, ang labanan ngayon dito pagandahan na ng resort,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na hindi pa tapos ang misyon sa gitna ng ibang banta na kinahaharap ngayon ng bansa.

“We transform ourselves from war fighters, we transform ourselves into now peacemakers,” ayon sa Pangulo.

“Pagka ako’y umiikot sa ating mga kampo lagi kong ipinapaliwanag na nandiyan pa rin ang mission natin na kailangan labanan ang mga nagtatangka na pabagsakin ang gobyerno for whatever reason,” aniya pa rin.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay tugon sa sinasabing umano’y ouster plot laban sa kanya.

Itinanggi naman Pangulo ang bagay na ito at binigyang-diin na walang report na may aktibong police officials ang nagpaplanong patalsikin siya sa pwesto.

Samantala, namahagi naman si Pangulong Marcos ng tulong sa mga magsasaka mangingisda at pamilyang apektado ng El Niño phenomenon sa Tawi-Tawi nitong Huwebes. Kris Jose