Home NATIONWIDE PBBM sa mga magawawagi sa Eleksyon 2025: ‘Political differences’ isantabi

PBBM sa mga magawawagi sa Eleksyon 2025: ‘Political differences’ isantabi

MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes na ang mga magwawagi sa darating na midterm polls ang dapat makaalam kung paano isasantabi ang political differences. 

Inihayag ito ni Marcos sa alliance signing ng Partido Federal ng Pilipinas at ng Nacionalista Party para sa 2025 elections. 

“And that is why we are here today to formalize this relationship and to prepare ourselves to make sure that the leadership that will come, that will win after the election — the midterm election next year are the leaders who understand that we must put our partisan, our personal differences aside, whatever they may be,” bahagi ng talumpati ni Marcos.

“Mayroong malaki, mayroong maliit. Ngunit, ang pinakamahalaga ay magkasundo tayo kung ano man ang pinakamaganda para matulungan natin ang ating mga kababayan,” dagdag ng Pangulo.

Nagpasalamat din siya sa Nacionalista Party kasabay ng panawagan niya sa party officials na tulungan ang mga indibidwal na hindi iniisip ang politika kundi ang bansa.

“Kaya’t ako’y nagpapasalamat sa ating mga kasamahan sa Nacionalista na tayo ay nagkaroon na ng formal alliance at ngayon ay paghandaan na natin na mailagay natin, matulungan natin ang mga kilala natin na talagang iniisip lamang ay hindi ang politika, hindi ang partido, hindi ang sarili kung hindi ang ating minamahal na Pilipinas,” pahayag ni Marcos. RNT/SA