Home NATIONWIDE PBBM sa panawagang patalsikin siya sa puwesto dahil sa usad-pagong na flood...

PBBM sa panawagang patalsikin siya sa puwesto dahil sa usad-pagong na flood control probe: NONSENSE!

1
0

MANILA, Philipines – “NONSENSE!” Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panawagan na patalsikin siya sa puwesto dahil sa di umano’y “selective justice” at hindi pa rin nalulutas na kaso ng korapsyon sa gobyerno.

“That makes absolutely no sense,” ayon kay Pangulong Marcos, sabay sabing siya lamang naman ang tanging Pangulo na naglantad ng anomalya sa state-funded flood control projects.

Aniya, nabunyag lamang ang iregularidad sa flood control projects sa panahon ng kanyang pamamalakad, binigyang diin na nabigo ang mga nakalipas na Pangulo na pag-ukulan ng pansin ang bagay na ito na nangyari “beyond [his] administration.”

Ayon sa Pangulo, tanggap niya na ang gobyerno ay hindi pa tapos na papanagutin ang lahat ng sangkot sa flood control scandal.

“I cannot say that we have done enough because we are not done yet. Unfortunately, the more we look, the more we find. And it is going already back beyond my administration, beyond my term,” ayon kay Pangulong Marcos.

Tinukoy din nito na maging ang kanyang predecessor, si dating Pangulong Rodrigo Dutrerte, ay batid ang “great problems in terms of flood control projects” subalit wala namang nangyari parta tugunan ang nasabing usapin.

“Having acknowledged it, it did not find accountability in anybody. So, I guess that was left up to me to do. And so we are still doing it. We’re still working on it,” ani Pangulong Marcos.

“You know this is a deep-seated system of corruption that requires not only structural changes in the way government is run, in the way the budget is written, but also a change in attitude,” dagdag na wika nito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here