MANILA, Philippines – PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng miyembro ng kanyang political party, ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na palaging magtulungan at tulungan ang isa’t isa at magkaisa na iangat ang buhay ng mga mamamayang Filipino.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang oath-taking ng mga bagong miyembro ng PFP sa Maynila, sinabi ng Punong Ehekutibi na dapat na baguhin ng PFP ang “tune of politics” sa bansa at magkaisa para sa kapakinabangan ng mga mamamayan na pagod ng makinig sa gulo sa political scene.
Ang Pangulo, chairman ng PFP National, tiniyak sa mga bagong miyembro na mahahanap nila ang isang “political home” sa PFP.
“Uhaw pa rin ang tao para sa pagkakaisa. Talagang, sa aking palagay, hanggang ngayon ang tao ayaw na nila nag aaway-away. Ayaw na nila ang walang nangyayari dahil puro pulitika na lang ang pinaglalaban. Ganun ang aking naramdaman mula ng Mayo noong 2022. Para sa akin, maliwanag na maliwanag ‘yan,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Kaya’t buoin natin ang ating grupo at laging na isip natin na ginagawa natin ito, syempre para makapag serbisyo nang mabuti sa taong bayan, and that is the best way to do it,” aniya pa rin sabay sabing “To the newly sworn in members of the PFP, welcome and we will make sure that you will find a political home here in the Partido Federal. And beyond that, let us work together, and let us continue to keep in mind that the best way for us to serve our people is to come together and to work as one.”
Bago pa tinapos ng Pangulo ang kanyang talumpati, winika ng Chief Executive na nais niya na palaging magkaroon ang PFP members ng “open arm” para sa isa’t isa, hindi lamang sa national level, kundi maging sa local government units sa pakikipagtulungan sa ibang partido na makatutulong ng mga ito.
Samantala, pinangunahan naman ng Pangulo ang panunumpa sa tungkulin ng 34 bagong PFP members.
1. Representative Rosanna V. Vergara, 3rd District of Nueva Ecija
2. Representative Horacio P. Suansing Jr., 2nd District of
Sultan Kudarat
3. Representative Eulogio R. Rodriguez, Lone District of
Catanduanes
4. Governor Nilo P. Demerey Jr., Dinagat Islands
5. Governor Presbitero J. Velasco Jr., Marinduque
6. Governor Jose R. Riano, Romblon
7. Governor Manuel L. Sagarbarria, Negros Oriental
8. Governor Yshmael I. Sali, Tawi-Tawi
9. Governor Jose V. Gambito, Nueva Vizcaya
10. Governor Ben P. Evardone, Eastern Samar
11. Governor Jake Vincent S. Villa, Siquijor
12. Governor Hadjiman S. Hataman Salliman, Basilan
13. Governor Edwin Marino C. Ongchuan, Northern Samar
14. Governor Victor J. Yu, Zamboanga del Sur
15. Vice Governor Jocel C. Baac, Kalinga
16. Vice Governor Benglen B. Ecleo, Dinagat Islands
17. Vice Governor Jennifer A. Araña, Aurora
18. Vice Governor Maria Caridad S. Goteesan, Eastern Samar
19. Vice Governor Mario Eduardo C. Ortega, La Union
20. Vice Governor Al-Syed A. Sali, Tawi-Tawi
21. Vice Governor Yusop T. Alano, Basilan
22. Vice Governor Eufemia Ang-Dacayo, Nueva Vizcaya
23. Vice Governor Remy N. Albano, Apayao
24. Vice Governor John Edward G. Gando, Guimaras
25. Vice Governor Ericson L. Felipe, Benguet
26. Vice Governor Clarence E. Dato, Northern Samar
27. Vice Governor Adely Angeles, Marinduque
28. Acting Vice Governor Abdulnasser M. Abas, Maguindanao
del Norte
29. Hon. Jimael Salam D. Salliman, Board Member, Basilan
30. Vice Mayor Julius Cesar V. Vergara, Cabanatuan City, Nueva Ecija
31. Chairperson Junie E. Cua, Philippine Charity Sweepstakes Office
32. Hon. Mariquita Padua-Ortega, Sangguniang Bayan, La Union
33. Mr. Adriano V. Gulapa, President, United Architects of the Philippines-Region III
34. Ms. Katrina Chua-Tai. Kris Jose