Home NATIONWIDE PBBM sa PNP: Paigtingin seguridad, maging bigilante sa Holiday Season

PBBM sa PNP: Paigtingin seguridad, maging bigilante sa Holiday Season

253
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Miyerkules, sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang security measures at panatilihin ang pagiging bigilante sa buong bansa sa panahon ng holiday season upang masiguro ang public safety sa gitna ng tumaas na travel at public activities.

“As we are in the holiday season, when more people are out in public and families are on the move, this period calls for heightened security and vigilance,” ani Pangulong Marcos sa isinagawang oathtaking ng 50 PNP star-ranked officers sa Palasyo ng Malakanyang.

Hinikayat naman ng Pangulo ang mga police personnel na panatilihin ang kanilang presensiya sa pangunahing lansangan, public spaces, transport hubs, at mga komunidad kung saan naroroon ang mga pamilya sa panahon ng Yuletide festivities, upang maging “visible and reassuring.”

“Tiyakin ninyo ang kaligtasan ng bawat mamamayan upang tunay nating maramdaman ang saya ng kapaskuhan nang may kapanatagan at pagkakaisa at may tunay na ligaya,” dagdag niya.

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga bagong-promote na opisyal na ang public service ay hindi tumitigil sa panahon ng pagdiriwang, at binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na paglilingkod nang may dangal at kumilos “in the best interest of our great nation and of the Filipino people.”

Nagpaabot din ng pagbati ang Pangulo sa mga opisyal sa kanilang promosyon, at hinikayat ang mga ito na ipagmalaki ang kanilang achievements habang naghahanap ng panahon para makasama ang pamilya sa panahon ng holiday season.

Muli namang pinagtibay ng Pangulo ang suporta ng administrasyon sa PNP at kinilala ang mahalagang papel ng mga ito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, lalo na sa panahon ng pinaigting na public activity. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here