MANILA, Philippines – Iniulat ng mga state volcanologist ang rockfall sa Mayon Volcano nitong Miyerkules matapos na matanggal ang ilang lava fragments mula sa summit crater.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang insidente bandang 9:29 a.m., na naitala ng seismic at visual monitoring instruments, at gumalaw sa Mi-isi Gully, huminto sa loob ng isang kilometro mula sa summit.
Binigyang-diin ng Phivolcs na nananatili ang Alert Level 1, na nagpapahiwatig ng low-level unrest.
Ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometro Permanent Danger Zone (PDZ) at inabisuhan ang mga piloto na iwasan ang paglipad malapit sa bulkan.
Noong nakaraang linggo, iniulat ng ahensya ang paglabas ng lava spines mula sa summit, na nagpapakita ng shallow magma na maaaring magdulot ng mas aktibong ibabaw.
Patuloy ang pagmamanman ng awtoridad sa Mayon at nananawagan sa mga residente at lokal na pamahalaan na sumunod sa lahat ng safety advisories. Santi Celario