MANILA, Philippines – Nagpaalala si Makati City Mayor Nancy Binay sa mga motorista at commuter na maghanda sa mabigat na trapiko sa Biyernes, Disyembre 19, sa pagdaraos ng Grand Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars.
Ayon sa abiso ng lungsod, magsisimula ang parada sa Macapagal Boulevard, Pasay City ng 1:00 ng hapon at dadaanan ang mga pangunahing kalsada sa Makati tulad ng Buendia Avenue, Ayala Avenue, Makati Avenue, JP Rizal Street, at A. Reyes Avenue, bago matapos sa Circuit Makati.
Sinabi ni Binay na makikipag-ugnayan ang lungsod sa MMDA at sa organizers ng MMFF upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng publiko. Hinikayat din niya ang mga residente at bisita na samahan ang pagdiriwang at masaksihan ang mga movie-themed floats ng walong opisyal na entries ng MMFF.
Ang MMFF 2025 ay magpapatuloy sa lahat ng sinehan sa Metro Manila mula Disyembre 25, 2025 hanggang unang linggo ng Enero 2026. Dave Baluyot