Home NATIONWIDE PBBM sa suspensyon ni Jubahib: ‘Let anybody investigate’

PBBM sa suspensyon ni Jubahib: ‘Let anybody investigate’

MANILA, Philippines- Hinamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sinuman na imbestigahan ang legal na prosesong isinagawa para sa preventive suspension ni Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib, na umapela sa dalawang buwang suspensyon ng Office of the President’s (OP).

“Matagal na yan. And so it’s taking close to two years because it went through the process,” anang Pangulo sa isang media interview sa Washington D.C., kung saan dumalo siya sa tripartite summit kasama ang United States at Japan.

“So I’m confident, let anybody investigate. You. Kayo ‘yung mga abogado ninyo, papuntahin niyo, tingnan n’yo iyong records namin kung anong nangyari,” anang Pangulo.

“I learned about it a year ago as part of my briefer, my daily briefer. So, I’m very sure we did all of, we went through all of the checks and balances.”

“We went through all the procedures, the proper procedures, before we came to the decision. Before the DILG came to the decision of imposing a suspension,” patuloy pa ni Marcos.

Resulta ang suspensyon ni Jubahib ng reklamong inihain ni Board Member Orly Amit, na nag-akusa sa gobernador ng grave abuse of authority and oppression matapos umanong kunin ng gobernador ang sasakyang pagmamay-ari ng kapitolyo na naka-assign sa board member at ilipat ito sa Provincial Engineering Office.

Makalipas ang isang buwan ay ibinalik ang sasakyan kay Amit.

Tumanggi ang gobernador na sumunod sa suspension order na inilabas ng Malacañang at sinabing ito’y isang uri ng political harassment.

Giit ni Jubahib, malaki ang naging impluwensya ng kanyang mga kaaway sa politika sa desisyon ng Malakanyang. RNT/SA