Home NATIONWIDE PBBM sa Wawa Dam developers: Watershed protection, reforestation iprayoridad 

PBBM sa Wawa Dam developers: Watershed protection, reforestation iprayoridad 

MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Prime Infra and WawaJVCo, Wawa Dam developers na ituloy ang pakikipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para iprayoridad ang watershed protection sa dam at ang ‘reforestation at biodiversity preservation’ sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape.

Nauna rito, pinangunahan Pangulong Marcos Jr., araw ng Miyerkules, Hulyo 10, ang seremonya para sa ‘impounding process’ ng Upper Wawa Dam sa Montalban, Rodriguez, Rizal.

Inaasahan na ang dam ay makapagpapataas ng water supply sa Kalakhang Maynila at kalapit na lugar mula 80 million hanggang 438 million kada araw sa pagtatapos ng 2025.

Maaari ring tumaas ang water supply ng 710 milyong litro kada araw sa mga susunod na taon.

“These 438 to 710 million liters per day translate to supporting the water supply needs of about 2.2 to 3.5 million Filipinos in the MWSS service area,” ayon kay Pangulong Marcos, tinukoy ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System.

Sa naging talumpati ng Pangulo, binigyang-diin nito ang pangangailangan para sa bagong water source para matiyak ang water security sa Kalakhang Maynila at sa mga kalapit na lugar nito.

“The Angat Dam could no longer meet the needs of around 14 million residents,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Winika ng Pangulo na ang Angat Dam ay nagsisilbi bilang mahalagang ‘source of water supply’ para sa Kalakhang Maynila. Itinatag noong 1960s, ganap na na kompleto sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ama ni Pangulong Bongbong Marcos.

“And that is why we are all very happy to be here today to lead the impounding process ceremony of the Upper Wawa Dam. This significant milestone marks the completion of the construction of the dam component of Phase 2 of the Wawa Bulk Water Supply Project,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos.

Ang konstruksyon ng 85-meter-high at 438.5-meter-long roller na konkretong Upper Wawa Dam ay pangunahing bahagi ng Wawa Bulk Water Supply Project (WBWSP) Phase 2. Ang proyekto na matatagpuan sa Barangay San Rafael, Montalban, Rizal, may kabuuang halaga ng P26.5 billion sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP).

Ito ang itinuturing na pinakamalaking water supply dam na naitayo sa mahigit na 50 taon kasunod ng Angat Dam.

Sinabi ng Pangulo na ang “Upper Wawa Dam will foster climate resilience among Filipinos by protecting communities downstream from flooding and by mitigating the detrimental effects of drought.”

“The project is a significant stride towards social and economic transformation,” ayon sa Pangulo.

Sa kabilang dako, pinuri ni Pangulong Marcos ang pambihirang bilis sa pagtatapos ng proyekto.

“Having been accomplished a year ahead of schedule, this monumental development has set a new standard for infrastructure projects of similar magnitude in terms of scale and impact,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Pinalawig naman ng Pangulo ang pasasalamat nito sa Prime Infrastructure Capital, joint venture partner ng WawaJVCo, at MWSS para sa kanilang commitment na magtayo ng mahalagang infrastructure systems na tutugon sa pangangailangan ng mga Filipino at ng bansa.

Tinuran pa ng Pangulo na ang Phase 1 ng proyekto o ang Tayabasan Weir, ay napabuti at naisaayos ang water supply situation sa Rizal sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahalagang water source, mapakikinabangan kapuwa ng mga residente at mga negosyo.

Samantala, Hinikayat din ng Pangulo ang mga stakeholders na i-maximize ang paggamit ng mga pasilidad at makipagtulungan para sa mas ‘sustainable at energy-efficient future” para sa Pilipinas.

“I likewise call upon every Filipino to amplify our efforts to conserve the country’s water resources. Let us remember that the stewardship of these resources is not just a task but a shared responsibility of us all,” ang winika ng Pangulo.

“Rest assured that this administration remains firm in its resolve to pursue a more transformative endeavor that will champion the optimal health and growth of Filipinos across the country,” aniya pa rin.

Tiniyak naman ng Pangulo sa sambayanang Filipino na ipagpapatuloy ng gobyerno na tugunan ng water security challenges upang masiguro ang sapat at malinis na tubig. Kris Jose