Home NATIONWIDE Chinese National na may pekeng visa, huli sa NAIA

Chinese National na may pekeng visa, huli sa NAIA

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos nitong iprisinta ang kanyang pekeng Philippine tourist visa.

Ayon sa report ng BI, kinillaa ang nasabing dayuhan na si Su Wenpeng, na dumating sa bansa sakay ng Cebu Pacific flight mula Hanoi, Vietnam ng maharang ito ng mga operatiba ng immigration.

Bakasyon umano ang pakay ni Su sa Pilipinas ng mapansin ng mga awtoridad ang mga inconsistencies sa 9(a) tourist visa nito.

Dito na nagsagawa ng document checking ang mga awtoridad sa pamamagitan ng forensic documents laboratory at nakumpirma na counterfeit o peke ang visa na hawak ng tsino.

Dahil dito ay hindi na pinapasok pa ng bansa si Su at bilang parusa ay isasama na ang pangalan nito sa black list ng immigration para hindi na makapasok pa ng Pilipinas sa mga susunod na panahon. Jay Reyes