Home HOME BANNER STORY PBBM: Sapilitang pagpapauwi sa Pinoys sa Israel at Iran ‘di pa kailangan

PBBM: Sapilitang pagpapauwi sa Pinoys sa Israel at Iran ‘di pa kailangan

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi pa kailangan ang sapilitang repatriation ng mga Pilipino sa gitna ng sigalot sa pagitan ng Israel at Iran.

Ayon sa kanya, nakadepende sa desisyon ng bawat pamilya kung nais nilang umuwi.

“We generally leave it to each individual, to each family to decide for themselves whether or not they feel safe or whether or not they would like to be evacuated,” ani Marcos.

Nakipag-ugnayan na ang gobyerno sa mga Pilipinong nasa Israel at Iran, at inihahanda na ang mga ruta ng paglikas kahit sarado ang karamihan ng paliparan.

Papunta na rin sa Jordan si Migrant Workers Secretary Hans Cacdac upang pamunuan ang operasyon.

May mahigit 20 opisyal na Pilipino ngayon sa Israel, at inaasahang makakauwi sa Sabado ang ilan sa kanila.

Tinatayang 20,000 Pilipino ang naninirahan sa Israel, 13,000 sa kanila ay dokumentado. RNT