Home NATIONWIDE PBBM satisfied sa preemptive measures na ikinasa ng gobyerno sa Bagyong Uwan

PBBM satisfied sa preemptive measures na ikinasa ng gobyerno sa Bagyong Uwan

334
0

MANILA, Philippines – SATISFIED si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa preemptive measures na ikinasa ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno bago pa ang epekto ng Super Typhoon Uwan, nagpahina dahilan upang maging severe tropical storm ito sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

“Yes, opo, ang mga nangyayari po kasing kalamidad at sakuna, minsan hindi po natin maiiwasan at nangyayari ito na hindi natin ginugusto so ‘yung mga paghahanda po na ipinapakita ng mga agencies na nakakapagsagip ng mga tao mula sa peligro, nakikita po ng Pangulo ang magandang ginagawa ng ating mga ahensya,” ayon kay Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Winika ni Castro na ang preemptive measures ng local government units ay malaking tulong para iligtas ang mga pamilya sa epekto ng bagyong Uwan.

“Dahil po sa preemptive measures na ginagawa po ng ahensya po natin, sa utos na rin po ni Pangulong Marcos Jr., mas malaki po ang nagiging pagsagip natin sa ating mga kababayan,” aniya pa rin.

Nauna rito, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang “a difference-maker” ang preemptive evacuation na ginawa ng local government units sa mga lugar na tinahak ng bagyong Uwan, kinategorya bilang super typhoon.

Ipinahayag ito ng Pangulo habang sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na ang preemptive evacuation efforts para sa 426,000 pamilya, dahilan para mabawasan ang nasawi.

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang lokal na pamahalaan, first responders, at volunteers “for acting quickly and working together to keep our people safe.”

“The preemptive evacuations you carried out made all the difference. Napakalaking bagay ng inyong maagap na pagkilos,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Samantala, sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) ang nasawi mula sa epekto ng bagyong Uwan ay tumaas na sa 18. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here