MANILA, Philippines- Nakatakdang magdaos ng bilateral meeting ngayong araw sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Singapore President Tharman Shanmugaratnam.
Nasa Pilipinas na kasi si Singapore President Tharman Shanmugaratnam para sa kanyang three-day state visit.
“President Ferdinand R. Marcos Jr. and First Lady Louise Araneta-Marcos will welcome Singapore President Tharman Shanmugaratnam and his spouse, Mrs. Jane Ittogi Shanmugaratnam, as they embark on a three-day state visit to the Philippines starting today, Aug. 15,” ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil.
Sinabi pa ni Garafil na inaasahan na sasaksihan nina Pangulong Marcos at Shanmugaratnam ang paglagda sa memoranda of understanding (MOUs) ukol sa recruitment ng Filipino healthcare workers at kolaborasyon o pagtutulungan sa climate financing.
Ito ang pangalawang pagtatakataon na makakapulong ni Pangulong Marcos si Shanmugaratnam. Ang unang bilateral meeting sa pagitan ng dalawa ay naganap sa Istana sa Singapore noong Mayo 31 ngayong taon.
Sa unang miting ng mga ito, inimbitahan ni Pangulong Marcos si Shanmugaratnam at Singaporean Prime Minister Lawrence Wong na bumisita sa Pilipinas.
Ito naman ang unang pagkakataon para kay Shanmugaratnam na bisitahin ang Pilipinas sa kanyang official capacity bilang bagong head of state ng Singapore.
Ang huling Singaporean leader na bumisita sa Pilipinas ay si Halimah Yacob noong 2019.
Tinuran ni Garafil na ipababatid ni Pangulong Marcos kay Shanmugaratnam ang ‘renewed commitment’ ng gobyerno ng Pilipinas para palakasin ang pakikipagtulungan sa Singapore.
“The two countries will continue to undertake cooperation, in both bilateral and multilateral milieus, including in the fields of energy and healthcare, among others,” wika pa niya.
Samantala, pormal na itinatag naman ng Pilipinas at Singapore ang kanilang diplomatic relations noong Mayo 16, 1969. Kris Jose