Home NATIONWIDE ‘Ambulance chasing’ sa mga marino tututukan ng gobyerno

‘Ambulance chasing’ sa mga marino tututukan ng gobyerno

MANILA, Philippines- Iprinisenta ng kaukulang government agencies ang working draft ng isang proposed memorandum of agreement upang tugunan ang “ambulance chasing” sa mga marino.

Inilarawan ang ambulance chasing bilang “unethical practice” ng pag-solicit ng mga kliyente para makapaghain ang seafarers ng malaking claims laban sa dati nilang employers at makapanghingi ng kompensasyon para sa umano’y injuries o kasakitan sa kasagsagan ng employment sa layuning makakuha ng parte sa “irregular decision.”

Inaasahang lilikha ang limang ahensya– DMW, OWWA, DOLE, NLRC, at National Conciliation and Mediation Board ng joint task force at tutulong sa pagpaplano, koordinasyon, at implementasyon ng mga polisiya upang labanan ang ambulance chasers at prosekusyon ng ambulance chasers. 

Aatasan ang DMW, na i-monitor at tugunan ang welfare interventions, ang real-time reports mula sa mga ahensya o principals hinggil sa mga marinong nagtamo ng injury, kasakitan, o nasawi sa termino ng kanilang kontrata at tiyakin na natulungan ang medically repatriated seafarer mula sa paliparan hanggang medical facility. 

Sa ilalim ng MOA, titiyakin din ng DMW na magbibigay ang Licensed Manning Agencies (LMA) ng agarang access sa medical treatment at sickness allowance, financial assistance para sa medically repatriated seafarers at kanilang pamilya, at tutulong sa pagbibigay ng legal counsel mula sa Public Attorney’s Office o mula sa Integrated Bar of the Philippines. RNT/SA