MANILA, Philippines- Tiniyak ng University of the Philippines (UP) nitong Miyerkules na ang kolaborasyon nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) pagdating sa research at training ay hindi lalabag sa academic freedom.
Kasunod ito ng pagkabahala ng ilang sektor sa UP community sa deklarasyon ng UP ng kooperasyon sa AFP noong Agosto 8.
Sinabi ni UP president Angelo Jimenez na ang UP Center for Integrative Development Studies (UP CIDS), mangunguna sa kolaborasyon, ay may “academic freedom” sa pakikipag-ugnayan nito sa AFP.
“UP CIDS is free to pursue research interests with AFP in areas that are relevant to UP’s role, mission, and mandate,” anang opisyal.
“This in itself is an exercise in academic freedom. The only thing required is conformity to the highest standards of academic rigor in the pursuit of truth,” dagdag niya.
Tiniyak din ni Jimenez ang mutual agreement para sa dalawang partido sa lahat ng aktibidad sa ilalim ng kolaborasyon.
“Our policy is engagement. The national defense establishment as an institution is not an enemy,” giit niya.
Sa ilalim ng nasabing kooperasyon, ang UP at AFP ay magkakaroon ng information sharing sa pamamagitan ng mga forum at workshops kasama ang technical experts; solicitation ng articles mula sa AFP personnel na isusumite sa UP CIDS-published Philippine Journal of Public Policy; review ng article submissions sa Quarterly Digest ng AFP Office of Strategic Studies and Strategy Management (OSSM); pagpapakalat ng UP CIDS research at pagsasagawa ng capacity building para sa AFP OSSM personnel pagdating sa strategic studies at security; pag-host ng visits, exchanges, at research fellowship. RNT/SA