Home NATIONWIDE PBBM tahimik pa rin sa susunod na DILG chief

PBBM tahimik pa rin sa susunod na DILG chief

MANILA, Philipines – MAY DALAWANG personalidad ang nasa shortlist na pagpipilian ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para ipalit kay Benhur Abalos bilang Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Nalalapit na kasi ang pagbibitiw sa puwesto ni Abalos dahil maghahanda na siya sa kanyang pagtakbo bilang senador sa midterm elections sa susunod na taon.

Si Abalos ay bahagi ng senatorial slate ng administrasyong Marcos, Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas.

Sa ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni Pangulong Marcos kung sino na ang kanyang napili na iuupo bilang magiging bagong Kalihim ng DILG.

“Oo, pabayaan muna natin si Secretary Abalos na… I don’t want him to feel that we are pushing him away,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Sinabi pa niya na sa oras na maghain na ng kanyang kandidatura si Abalos, kagyat niyang ia-anunsyo ang magiging kapalit nito.

”Since considering — especially that he has done such a good job as DILG. So, when he will file, we will also announce his replacement,” ang winika ng Pangulo.

Nauna rito, sinabi ni Abalos na narinig na niya ang posibleng ipapalit sa kanya bilang hepe ng DILG.

Hindi naman nito pinangalanan ang nasabing personalidad, subalit sinabi ni Abalos na ang desisyon ay nasa Pangulo pa rin.

“Yes, I have to resign… siguro the day after filing, magre-resign na po ako,” ayon kay Abalos.

“I’ve heard of several names na papalit po sa akin, siguro hindi ko lang puwedeng sabihin… naririnig ko lang naman pero nasa Pangulo na po ito,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose