Manila, Philippines- Walang dudang kinasasabikan na ang showing ng Hello Love Again, ang sequel ng Hello Love Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Hindi pa nga nauumpisahan ang major shoot nito sa Canada ay meron na itong playdate–sa November 13.
Sa isang ulat sa radyo, napag-alaman na sold out na ang mga tickets sa opening day nito.
Ang pagbebenta ng tickets ahead of its screening ang bagong “gimik” na pinauso ng Star Cinema, ang ka-joint venture ng GMA Pictures ng nasabing project.
Pero hindi ito ang catch.
Sa nasabing radio report din lumabas ang balitang nag-leak ang ending ng HLA.
The story has a happy ending with Joy (played by Kathryn) and Ethan (played by Alden) getting married.
At paano ito nabuko?
Diumano, ang nag-supply ng bridal car unwittingly posted it on social media.
Nang tanungin naman ang mga taga-production kung ikinasal nga ba ang mga bida sa kuwento’y tikom lang ang bibig nila.
Understandably so, ayaw nilang maging spoiler.
Let the audience find out for themselves, ‘ika nga.
Samantala, maging ang co-star nina Kathryn at Alden na si Joross Gamboa ay no comment kung totoo nga bang nanliligaw si Alden kay Kathryn.
Pero isang source ang nag-tip na oo raw.
In fact, si Alden na lang daw ang natira among Kathryn’s suitors.
Napag-alamang totoo rin palang nag-attempt na ligawan ni Donny Pangilinan ang aktres but for some reason ay hindi na ito nagpursige.
Same with Jericho Rosales din daw noong panahong nagdya-jogging sila ni Kathryn. Ronnie Carrasco III