MANILA, Philippines – “That’s fine. That’s her choice.”
Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin ukol sa naging desisyon ng kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos na hindi sasama sa administration senatorial slate.
Sa isang panayam sa Pangulo, sinabi nito na maaari namang sumama ang kanyang kapatid sa kampanya ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas para sa midterm polls.
Tiniyak din nito sa kanyang kapatid na patuloy na susuportahan ng administrasyon ang kanyang kandidatura sa nalalapit na eleksyon.
“I suppose that gives her a little bit more scope and freedom to make her own schedule and to campaign in the way that she would like to do,” ayon kay Pangulong Marcos.
“But you know, the Alyansa is still behind her. We are still continuing to support her. And if down the road she chooses to join us in our campaign sorties, she is of course very welcome,” dagdag na wika nito.
Nauna rito, inanunsyo ni Senador Imee Marcos nitong Sabado na muli siyang tatakbo sa pagka-senador bilang isang independent candidate, sa kabila ng pagkakasama sa senatorial slate na ineendorso ng kanyang kapatid na si Pangulong Marcos para sa Eleksyon 2025.
Sa social media video post kung saan pinatutungkulan ang kanyang ama, si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sinabi ni Imee, “As his eldest, I choose to stand free and firm, like him; in believing that there should be no allegiance but to the Filipino people.”
“It is never easy to stand alone, in campaigns and in politics… But that is the legacy my father left me, that is the legacy of Apo Lakay whom we remember today,” giit pa ni Imee, sinabing nitong Sabado ang ika-35 death anniversary ng kanyang ama.
“I chose to stand alone so that my ading (younger brother) will no longer be put in a difficult position, and my true friends won’t have to hesitate,” wika niya.
“I choose to remain free and loyal—not to any group, but to every Filipino,” pagbibigay-diin ni Marcos, kasalukuyang kasapi ng Nacionalista Party (NP).
“I offer my heartfelt gratitude to President Bongbong, who, despite the anger and extreme cruelty of some, came to my defense and included me in the alliance.”
“Many thanks also to NP and to all my allies who continue to support me, may your trust remain with me,” dagdag niya. Kris Jose