Home NATIONWIDE PBBM ‘unbottered’ sa impeachment complaint

PBBM ‘unbottered’ sa impeachment complaint

248
0

MANILA, Philippines – Hindi nababahala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa impeachment complaint na inihain laban sa kanya sa House of Representatives, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na nakausap niya ang Pangulo ukol sa usapin sa gilid ng kanilang pulong kamakailan, at kumpiyansa umano ito na hindi uusad ang reklamo.

“Ang sabi po niya, hindi po siya nababahala dahil alam po niya na wala siyang ginawa na impeachable offense na maaaring masabi na siya’y dapat managot. Alam po niya, siya naman po ay nagtratrabaho nang naaayon sa Konstitusyon at naaayon sa batas,” pahayag ni Castro.

“Kumpiyansa siya dahil wala siyang ginawang mali,” dagdag pa niya.

Inihain ang impeachment complaint ng abogado na si Andre de Jesus at inendorso ni Pusong Pinoy party-list Representative Jett Nisay.

Kabilang sa mga isinampang batayan ang graft and corruption, culpable violation of the Constitution, at betrayal of public trust.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na bahagi ng demokratikong proseso sa ilalim ng Konstitusyon ang paghahain ng mga impeachment complaint, at iginiit na ganap na iginagalang ni Marcos ang Konstitusyon at nananatiling kumpiyansa sa mga demokratikong institusyon ng bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here