Home NATIONWIDE Bilang ng nagugutom na Pinoy, kumonti noong Ber-months

Bilang ng nagugutom na Pinoy, kumonti noong Ber-months

212
0

MANILA, Philippines – Bumaba sa 37 porsiyento ang self-rated poverty sa Pilipinas sa ikaapat na kwarter ng 2025 mula sa 54 porsiyento noong ikatlong kwarter, ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research.

Sinabi ni OCTA fellow Guido David na isinagawa ang survey mula Disyembre 3 hanggang 11, 2025 at tinanong ang 1,200 respondent kung itinuturing nila ang kanilang sarili na mahirap. Inisa-isa ni David bilang dahilan ang year-end bonuses, patuloy na ayuda ng pamahalaan, at ang pag-stabilize ng inflation rate.

Aniya, ang resulta ay tumutukoy sa humigit-kumulang 4.5 milyong pamilyang Pilipino na hindi na itinuturing ang sarili nilang mahirap.

Ipinakita rin sa parehong survey na bumaba ang food poverty sa 19 porsiyento mula 49 porsiyento sa nakaraang kwarter. Sinabi ni David na nakatulong ang mga programa ng gobyerno sa mas madaling pag-access sa pagkain, kabilang ang mga food centers.

Ayon sa OCTA, ang pagbabagong ito ay katumbas ng tinatayang 5 milyong pamilya na mas nakayanan ang kanilang pangangailangang pagkain sa loob ng isang kwarter. May ±3% margin of error ang survey sa 95 porsiyentong antas ng kumpiyansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here