Home NATIONWIDE PBBM, VP Sara ‘di na nagkikita at nag-uusap

PBBM, VP Sara ‘di na nagkikita at nag-uusap

163
0

MANILA, Philippines – Hindi matukoy ni Vice President Sara Duterte ang kasalukuyang relasyon nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Hindi na kami nagkita at hindi na kami nag-usap ni President Marcos so wala akong description sa relationship namin ngayon ni President Marcos,” ani Duterte.

Nitong Miyerkules, Agosto 7, binatikos ni Duterte ang pamahalaan kabilang ang Kamara dahil sa kakulangan umano nito ng aksyon sa mga isyu sa kalusugan, seguridad, imprastruktura, at foreign interference.

Sa mahabang pahayag na para sa Muslim community, sinabi ni Duterte na ang bansa ay pinamamahalaan ng mga opisyal na “disloyal” sa sinumpaang tungkulin.

“Kung sino yung nakikita ninyo nagrereact publicly and privately sa mga sinasabi ko, ‘yan ‘yung mga tao na natatamaan sa mga sinabi ko sa statement ko kahapon,” sinabi ni Duterte.

“‘Yung hindi tapat sa serbisyo, hindi tapat sa kanilang trabaho at hindi tapat sa pagsisilbi sa bayan,” dagdag pa niya.

Samantala, nagulat din umano ang Bise Presidente sa resulta ng OCTA Research Survey, na bumaba ang pro-Duterte Filipinos.

“Nakakagulat lang kasi ngayon lang ako nakakita ng survey na ang tanong ay pro-Marcos ka ba o pro-Duterte ka ba?” sinabi pa ni Duterte.

“Talagang gagastos ka ng pera para tanungin ang mga tao kung pro-Marcos ka o pro-Duterte ka. Dapat siguro nilagay doon pro-Pilipinas ka ba? I’m sure lahat yun lilipat sa pro-Pilipinas,” dagdag niya.

“It’s very obvious sa lahat ng naririnig mo nakikita mo na ginagawa, ang motibo diyan is, ‘Ayaw ko na bumaba. Sa akin na ito forever’,” pagpapatuloy nito.

“Kaya sirain ko kayong lahat. Wala akong pakialam kung totoo man o hindi ang paninira ko sa inyo basta lang masira kayo.”

“‘Yan ang motibo diyan. everything is all about politics and power,” sinabi pa ng Bise Presidente.

Wala pang tugon ang Malakanyang kaugnay sa pahayag ni Duterte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here