Home NATIONWIDE PBBM walang nilabag sa pag-aresto kay Digong – DOJ

PBBM walang nilabag sa pag-aresto kay Digong – DOJ

267
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na hindi ito sumuway kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang ipatupad ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Martes.

Tinanong ni Rep. Henry Marcoleta kung salungat sa posisyon ng Pangulo ang naging desisyon ni Remulla na payagan ang pag-aresto kaugnay ng umano’y crimes against humanity sa drug war.

“Us working in the government, we make a lot of decisions everyday. And they are not cast in stone. These decisions can change in due time, at certain times. Marahil, nagbago po ang aming pagtingin sa usaping ito,” ani Remulla sa House appropriations panel deliberations ukol sa P40-B panukalang budget ng DOJ para sa 2026.

“Hindi po tayo tumaliwas [sa Presidente]. Marahil ho, nagbago rin ang lahat sa kanyang paningin. As I have said, not everything is cast in stone. Nung dumating po ‘yung pagkakataon na talagang andun na ho ang Republic Act 9851, at lahat po ng factor tinitingnan po natin sa security po ng ating bansa…basta sa akin po, ang aking clearance na binigay ay sa legal basis ng kanyang pagpunta sa The Hague,” dagdag pa ni Remulla.

Binigyang-diin ni Remulla ang Republic Act 9851 na nagbibigay-daan sa pakikipag-ugnayan sa mga internasyonal na tribunal, gayundin ang 2021 Supreme Court ruling na nag-uutos ng kooperasyon sa ICC para sa mga kasong ginawa habang miyembro pa ang Pilipinas.

Nang tanungin kung banta sa seguridad ang 80-anyos na si Duterte, ipinasa ni Remulla ang tanong sa National Security Council. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here