Home NATIONWIDE PBBM, walang nilalabag na batas sa pagtatalaga ng mga acting officials

PBBM, walang nilalabag na batas sa pagtatalaga ng mga acting officials

1
0

MANILA, Philippines – Prerogative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang magtalaga ng mga acting officials.

Binigyang diiin ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na walang nilalabag na batas si Pangulong Marcos sa bagay na ito.

Ani Castro, nais ng Pangulo na ang lahat na nasa kanyang administrasyon, kabilang ang kanyang sarili, ay tumutupad sa batas at sinusunod ang due process.

“Unang-una po, prerogative po ng Pangulo iyan at tumutupad po ang Pangulo sa batas. Kung nais nga po niya na lahat ay tumupad sa batas, due process, proseso, so, ang Pangulo po ay hindi lalabag sa batas,” ayon kay Castro.

Binigyang diin ni Castro na ang pagtatalaga ng acting secretary ay nananatiling alinsunod sa batas.

“So, sa ngayon po ay naaayon pa rin po ang pag-a-appoint sa mga acting secretary katulad po ni Secretary Dave Gomez, siya po ay ad interim appointee po as of July 10. So, wala pong nilalabag na anumang proseso, batas ang ating Pangulo,” aniya pa rin.

Ipinahayag ito ni Castro bilang reaksyon sa pagbatikos ni Senator Imee Marcos sa administrasyon hinggil sa dosenang opisyal na nananatiling nagsisilbi bilang acting capacity.

Iginiit kasi ni Imee Marcos na “permanent appointment should be made so these officials could undergo the scrutiny of the Commission on Appointments.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here