LAGUNA, Philippines – Ibinalik bilang Regional Director ng PRO4 Calabarzon si PBGen Paul Kenneth T. Lucas sa idinaos na Turn-Over of Command Ceremony kaninang umaga sa PRO4A Covered Court Camp BGen. Vicente Lim Calamba City, Laguna.
Ang programa ay pinangunahan ni Deputy Chief PNP for Administration, PLTGen Bernard M. Banac, kung saan isinalin ng kasalukuyang Regional Director na si PBGen Jack L. Wanky ang responsibilad patungo sa nagbabalik na Regional Director na si PBGen Paul Kenneth T. Lucas.
Pinasalamatan ni Lucas ang mga nagawa ng mga nauna sa puwesto at binigyan diin ang pamana ng mga lider ng PRO4 Calabarzon na nagpalakas at nagpaunlad sa naturan rehiyon.
“Titiyakin natin na tayo ay tatalima sa 8-Point Agenda ng ating Acting Chief PNP, PLTGen Jose Melencio C Nartatez Jr., upang higit pa nating mapabuti ang ating serbisyo para sa mamamayan ng CALABARZON ” dagdag ni BGen. Lucas
Samantala, pinasalamatan ni outgoing Regional Director PBGen Jack Wanky sa pagkakataon na makasama ang mga pulis ng PRO 4A, inilarawan nito ang kanyang mga karanasan sa CALABARZON sa tatlong salita lamang: “Maikli ngunit makabuluhan.” Nagpasalamat ito sa buong kapulisan ng PRO 4A sa kanilang dedikasyon upang gawing pinakaligtas na rehiyon sa Pilipinas ang CALABARZON.
Binigyang pugay at pinuri ni Deputy Chief PNP for Administration PLTGen Banac ang dalawang lider hinggil sa legacy ng serbisyo, kahusayan, at propesyonalismo na iniwan ni PBGen Wanky na nagdala sa PRO 4A sa mga makabuluhang tagumpay sa loob ng maikling panahon.
Bukod dito, ipinaalala din niya sa lahat ng opisyal ng PNP ang kanilang tungkulin na sundin ang mga kautusan at gampanan ang kanilang misyon nang buong puso. /Ellen Apostol