MANILA, Philippines- Naging matagumpay ang isinagawa kamakailang joint maritime patrol sa West Philippine Sea ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa kabila ng harassment ng China sa mga mangingisadang Pilipino, sinabi ni PCG spokesperson for the Wesy Philippine Sea Commodore Jay Tarriela.
Sinabi ni Tarriea na ang misyon ay upang maghatid ng probisyon na gasolina at pakain sa 26 Filipino fishing boat malapit sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc mula Marso 23 hanggang 25, 2025.
Naglayag ang apat na multi-mission offshore vessels mula BFAR kabilang ang BRP Datu Sumkad, BRP Datu Balensusa, BRP Datu Tamblot at BRP Datu Pagbuaya sa WPS noong weekend para sa misyon.
Nasubaybayan naman ng PCG ang pitong sasakyang-pandagat ng Chinese Coast Guard at dalawang People’s Liberation Army vessels.
Sa kabila ng presensya ng mga barko ng China, hindi umatras ang mga mangingisdang Pinoy at isa-isang nabigyan ng probisyon.
Sa naturang misyon, tinangka ng CCG na guluhin ang operasyon sa pamamagitan ng pag-iingay ng sirena at pag-isyu ng radio challenge sa BFAR vessel, BRP Datu Balensusa, na nagsasabing nasa paligid na ng kanilang teritoryo ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.
Ayon sa PCG, tatlong Rigid Hull Inflatable Boats, o RHIB, ang lumapit at nagtangkang itaboy ang mga mangingisdang Pinoy. Jocelyn Tabangcura-Domenden