Home NATIONWIDE PCG border force sinanay sa close quarter battle

PCG border force sinanay sa close quarter battle

MANILA, Philippines – Sumailalim ang Coast Guard Security and Border Protection Force (CGSBPF) sa 15-araw na close quarter battle training sa Pasay City, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, ang pagsasanay ay nakasentro sa “mga taktikal na kasanayan at estratehiya bilang tugon sa patuloy na pagbabago ng pananaw ng mga banta sa seguridad.”

“[Our] personnel developed proficiency in close quarter combat techniques, pistol and rifle fundamentals and skills, room clearing and building entry tactics, weapon handling and manipulation in confined spaces, team coordination and communication under stress, and decision-making in high-pressure situations,” sabi ng CGSBPF.

“Furthermore, this training equipped [our] personnel with enhanced skills, confidence, and readiness to face the challenges in performing their mandated functions in line with the forthcoming activation of CGSBPF Special Reaction Unit,” dagdag pa.

Ang battle training at activation ng Special Reaction Unit ng PCG force ay dumating sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).

Noong Martes, sinabi ng PCG na muling nagpaputok ng water cannon ang mga sasakyang pandagat ng China Coast Guard (CCG) sa mga sibilyang sasakyang pandagat ng Pilipinas patungo sa Scarboroughpp Shoal.

Nagtamo ng damage ang barko ng Pilipinas na BRP Bagacay.

Samantala, nagtamo rin ng pinsala ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessel BRP Bankaw—matapos banggain din ng tatlong beses ng CCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden