Home NATIONWIDE PCG: BRP Cabra tinangkang banggain ng CCG

PCG: BRP Cabra tinangkang banggain ng CCG

MANILA, Philippines- Tinangka muling banggain ng barko ng China Coast Guard (CCG) ang BRP Cabra ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Linggo.

Sinabi ng PCG na ang CCG vessel 3302 ay patuloy na gumawa ng mapanganib ng pagmamaniobra laban sa Cabra, sa pagkakataong ito ay 98.31 nautical miles ng Palauig Point, Tumalog City sa Zambales.

“Throughout the afternoon, CCG-3302 made multiple attempts to ram the aft of the BRP Cabra,” ayon sa PCG.

Sa kabila ng agresibong aksyon ng China, sinabi ng PCG na matagumpay nitong nalampasan ang sasakyang pandagat ng China sa pamamagitan ng propesyonalismo, katatagan at seamanship nito.

Noong Linggo, ang parehong sasakyang pandagat ng China ay humarang sa BRP Cabra nasa 170 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales. Jocelyn Tabangcura-Domenden