MANILA, Philippines – Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, Agosto 16 na hindi nila naipalipad ang kanilang drones noong Agosto 11 sa insidente ng banggaan ng dalawang barko ng China sa Bajo de Masinloc dahil umano sa posibleng signal jamming.
Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, naniniwala silang sinadya ng China na pigilan ang kanilang sistema upang hindi madokumento ang pangyayari.
“This time around, we were not able to launch drones. It’s because we believed that Chinese was blocking our drones to take off,” ani Tarriela sa isang forum sa Quezon City.
Dagdag niya, ito ang unang pagkakataon na nakaranas ang PCG ng electronic jamming sa lugar.
“We are now evaluating how we can still launch drones and prevent the PROC from disrupting our signals,” aniya.
Giit ni Tarriela, hindi ang Pilipinas ang may pananagutan sa banggaan ng barko ng People’s Liberation Army Navy at China Coast Guard malapit sa Bajo de Masinloc.
“We’re not provoking anybody. The reason why there is tension [is] because of dangerous actions and illegal presence within our exclusive economic zone,” dagdag niya. RNT/JGC