Home NATIONWIDE PCG full alert sa Holy Week travel surge

PCG full alert sa Holy Week travel surge

152
0

MANILA, Philippines – Naka–full alert na ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) at nag-deploy ng humigit-kumulang 17,000 tauhan para tumulong sa seguridad sa mga transport terminal at sa mga rutang pandagat habang inaasahan ang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Holy Week.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nakaantabay din ang PCG sa mga pantalan at mahahalagang lugar gaya ng Marinduque, Batangas, at Calapan City sa Mindoro upang agad na makatugon sakaling may ma-stranded na pasahero.

Sinabi ni DOTr Secretary Giovanni Lopez na handang tumulong ang PCG sa mga biyahero, at naka-preposition na rin ang ilang barko sa mga pantalan na inaasahang dadagsain ng tao.

Nasa full alert status ang PCG mula pa noong Marso 28.

Tinatayang aabot sa 150,000 pasahero kada araw ang dadaan sa Ninoy Aquino International Airport, habang nasa 3 milyon ang inaasahang dadaan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange, at 2.6 milyon naman sa mga pantalan mula Marso 28 hanggang Abril 5. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here