MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang publiko na huwag maligo sa swimming pool, ilog o dagat kapag nasa impluwensya ng alak.
Kasunod ito ng insidente ng pagkalunod ng isang umano’y lasing sa Baco, Oriental Mindoro.
Sa ulat, rumesponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa report ng pagkalunod sa isang ilog.
Kasama ang PCG Oriental Mindoro, hinanap ng rescuers sa kahabaan ng ilog ang 49-anyos na biktima.
Nagpumilit umanong lumangoy sa ilog ang biktima kahit pinipigilan siya ng asawa dahil siya ay nakainom.
Apat na barangay ang sinakop ng operasyon para lamang mahanap ang lalaki at makalipas ng ilang oras ay doon na nakitang wala nang buhay ang biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden