MANILA, Philippines – Nasa P5.2 bilyong dividends ng nakatakdang i-remit ng Philippine Ports Authority (PPA) sa national treasury para sa 2024 na mas mataas sa P5.06 bilyon noong 2023.
Ang remittance ay 54% ng net earnings ng ahensya batay sa 2024 Unaudited Financial Statements, ayon sa PPA.
Patuloy ding lumalago ang kita ng PPA na umabot sa P27.64 bilyon noong 2024, 8.61% na mas mataas kumpara sa 2023.
Ngayong 2025, target ng PPA ang pagtatapos ng mga proyekto sa Salomague Port sa Ilocos Sur, San Andres Port sa Catanduanes, Banago Port sa Negros Occidental, at Balingoan Port sa Cagayan de Oro.
May nakalinyang cruise ship ports sa Coron, Palawan; Buruanga, Aklan; at Mambajao, Camiguin.
Lumago rin ang container traffic sa 7.82 million TEUs, cargo throughput sa 289.52 million metric tons, at ship calls sa 621,807 noong 2024. Jocelyn Tabangcura-Domenden