Home NATIONWIDE PCG may sagot sa ‘pagtulong’ ng China sa mga mangingisda sa WPS

PCG may sagot sa ‘pagtulong’ ng China sa mga mangingisda sa WPS

298
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Embahada ng China sa Maynila na isang barko ng Chinese Navy ang tumulong sa isang Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea noong Pasko, ngunit tinanggihan ito ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa embahada, ang Chinese Navy ship 174 ay nagbigay ng tulong sa isang distressed Philippine fishing vessel sa South China Sea.

Gayunpaman, sinabi ng PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela na walang prior information ang kanilang natanggap mula sa Chinese Navy tungkol sa lokasyon o kondisyon ng mangingisda.

Pinunto rin ni Tarriela na walang lehitimong dahilan ang Chinese Navy destroyer na mag-operate sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ang insidente ay nangyari 71 nautical miles kanluran ng Silanguin Island, Zambales.

Ayon kay Tarriela, sinabi ng mangingisda na natakot siya nang maglunsad ng isang rigid-hulled inflatable boat ang Chinese Navy warship 174.

Dahil dito, ginamit ng mangingisda ang mga carbon deposits na kinuha mula sa dulo ng exhaust pipe ng kanyang engine upang isulat ang “HELP ME”. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here