MANILA, Philippines – Nag-ulat ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 57 na kaso ng mga fireworks related injuries (FWRI) mula sa kanilang nationwide surveillance nitong Biyernes, Disyembre 26 na nagpapakita ng 49-porsiyentong pagbaba kumpara sa parehong panahon noong 2024.
Ayon sa pinakabagong update ng DOH, ang National Capital Region ang may pinakamaraming kaso na 25, kasunod ng iba pang mga rehiyon na nag-uulat ng mga insidente habang ipinagdiriwang ng mga komunidad ang Kapaskuhan.
Pinakamaraming naitala tinamaan ng paputok ang mga lalaki na may edad 10 hanggang 14 taong gulang.
Ang mga pangunahing sanhi ng mga sugat ay mula sa 5-Star, Kwitis, Boga, at Triangulo.
Pinapaalalahanan ng DOH ang mga magulang at tagapag-alaga na bantayang mabuti ang mga bata at iwasan ang paggamit ng mga mapanganib na fireworks, na binibigyang-diin ang kanilang matagal na adbokasiya para sa ligtas na community pyrotechnic displays bilang isang paraan upang maiwasan ang mga injury.
Patuloy na hinihikayat ng ahensiya ang publiko na sundin ang mga pag-iingat bago ang mga pagdiriwang ng Bagong Taon upang maiwasan ang mga karagdagang kaso at matiyak ang isang mas ligtas na holiday season. Jocelyn Tabangcura-Domenden