Home NATIONWIDE Authentication ng ‘Cabral files’ ni Leviste, itinanggi ni Dizon

Authentication ng ‘Cabral files’ ni Leviste, itinanggi ni Dizon

282
0
Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines – Inihayag ni DPWH Secretary Vince Dizon na hindi niya na-authenticate ang anumang dokumento na nasa pag-iingat ni Batangas Representative Leandro Leviste.

Sa isang online interview, sinabi ni Leviste na dapat kumpirmahin ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro kay Dizon ang katotohanan ng mga files na na-upload niya sa kanyang social media page, na ayon sa kanya ay galing sa DPWH at dating DPWH undersecretary na si Maria Catalina Cabral.

Sinabi ng mambabatas na nakuha niya ang mga files noong Setyembre, bago pa man ang pagpanaw ni Cabral sa isang bangin sa Benguet noong Disyembre 19.

Ngunit sinabi ni Dizon na pwersahan kinuha ni Leviste ang kopya ng mga files mula sa opisina ni Cabral noong Setyembre.

Nanindigan naman si Leviste na alam ni Dizon ang tungkol sa mga files.

Sinabi rin niya na :hindi totoo: na pwersahan niyang kinuha ang kopya ng mga dokumento at sinave ito sa kanyang flash drive.

Sinabi rin ni Leviste na hindi niya ibinahagi ang mga files sa sinuman pero tila kamakailan au naibigay na ito sa isang online website .

“Akala ko ibinigay ito ni Sec.Dizon o ng kanyang mga tauhan. Akala ko kinumpirma nito na gusto nilang ilabas ang mga file”, ani Leviste.

Itinurn-over ng DPWH sa Office of the Ombudsman ang computer na ginamit ni Cabral pati na rin ang mga fil n itinago niya sa kanyang opisina.

Sinabi ni Dizon na nasa Ombudsman na ang mag-analaisa at magpatunayan ng mga ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here