MANILA, Philippines – Tumaas ang kumpiyansa ng mga mangingisdang Pinoy na magtungo sa West Philippine Sea sa kabila ng patuloy na pangha-haras ng China sa karagatan ng Pilipinas partikular sa West Philippine Sea.
Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na tiwala ang mga mangingisda sa pangako ni Pangulong Ferdiannd Marcos Jr. na walang anumang isusukong teritoryo sa ibang bansa.
Sinabi ni Tarriela na iniulat ang panibagong pangha-haras ang ginawa ng Chinese Coast Guard (CCG)
Nobyembre 28 aniya nang makatanggap ang PCG ng video footage at larawan ng harassment na ginawa ng Peoples Liberation Army helicopter sa Rozul Reef.
Dahil dito, ipinag-utos na ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan na agad ideploy ang dalawang barko para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipinong mangingisda.
Layon din nitong makapangisda ang mga kababayan natin nang malaya sa Rozul Reef na sakop ng teritoryo ng Pilipinas. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)