Home METRO PCG nagdeploy ng “remotely operated vehicle” sa paghahanap ng mga sabungero sa...

PCG nagdeploy ng “remotely operated vehicle” sa paghahanap ng mga sabungero sa Taal Lake

223
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG)  isang remotely operated vehicle (ROV) ang ginagamit ngayong Martes, Hulyo 15 para sa paghahanap sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake sa Batangas.

Kinumpirma ni PCG spokesperson Captain Noemie Guirao-Cayabyab ang pagsisimula ng deployment ng ROV para sa search and retrieval operations.

Sinabi ni Cayabyab na ang ROV, na may ilaw at camera, at inaasahang magpapalawak ng monitoring sa lakebed.

Idinagdag niya na ang ROV ay may kakayahang magbuhat ng mga bagay hanggang sa 10 kg at maaaring tumagal ng hanggang apat na oras sa ilalim ng tubig, na mas mahaba kumpara sa 1.5 oras para sa mga diver.

Tiniyak ng PCG nitong weekend na ang paghahanap at retrieval operations sa Taal Lake ay masusing ginagawa, dahil ang buhay ng mga diver ay nasa panganib sa bawat paglusong nila sa tubig.

Ang mga hyperbaric na doktor ay naka deploy sa lugar upang mag-asikaso sa mga diver bago at pagkatapos ng kanilang mga operasyon.

Ang PCG noong Linggo ay naglabas ng underwater footage ng mga operasyon sa Taal Lake, kung saan ang mga maninisid ay nahaharap sa mga kondisyon tulad ng madilim na tubig, malakas na agos sa ilalim, at ang lalim ng lawa, bukod sa iba pa. Dumalo rin ang mga technical diver sa misa sa baybayin ng lawa bago ang operasyon.

Sa ngayon, nasa kabuuang limang sako na may mga hinihinalang buto ang narekober. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here