MANILA, Philippines – Ipinauubaya ng Philippine Coast Guard (PCG) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung magde-deploy ng mga barkong pandigma ng bansa sa West Philippine Sea kasunod ng pinakabagong maritime aggression ng China ngayong linggo.
Sinabi ni PCG for the West Philippine Sea spokesperson Commodore Jay Tarriela na ang desisyon na gumawa ng rekomendasyon sa patakaran ay nasa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ay matapos harangin at buntutan ang BRP Teresa Magbanua ng isang PLa Navy vessel malapit sa Bajo de Masinloc.
Ang BRP Cabra sa kabilang banda ay nakaranas din ng mapanganib na pagmaniobra ng CCG 3104.
Ayon kay Tarriela, hindi ito rekomendasyon bagamat kinumpirma na ang Philippine warships ay nagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Dagdag pa ni Tarriela, susuportahan ng PCG kung anuman ang magiging desisyon ng Pangulo at ng AFP. Jocelyn Tabangcura-Domenden