Home NATIONWIDE #WalangTubig sa ilang bahagi ng QC mula Disyembre 9 ‘gang 14

#WalangTubig sa ilang bahagi ng QC mula Disyembre 9 ‘gang 14

MANILA, Philippines – Makararanas ng scheduled water interruptions ang ilang lugar sa Quezon City simula Disyembre 9 hanggang 14.

Ayon sa Maynilad, isasagawa kasi ang maintenance activities na regular nilang ginagawa upang mapanatiling maayos ng water distribution system sa west zone.

Narito ang mga lugar na apektado ng water interruption at ang kanilang schedule:

Brgy. Holy Spirit (location of activity: San Simon)
December 9 to December 10, 10 p.m. to 6 a.m.

Brgy. Holy Spirit (location of activity: Republic Avenue corner Fatima Compound)
December 9 to December 10, 10 p.m. to 6 a.m.

Brgy. Gulod (location of activity: Ntang)
December 9 to December 14, 10 p.m. to 6 a.m.

Brgy. Gulod and Sta. Monica (location of activity: Aguardiente)
December 9 to December 14, 10 p.m. to 6 a.m.

Inabisuhan ng Maynilad ang mga customer nito na mag-imbak ng tubig bago ang inaasahang water interruption. RNT/JGC