MANILA, Philippines – Naka-alerto na ang Philippine Coast Guard District – Southeastern Mindanao laban sa posibleng epekto ng Low Pressure Area sa rehiyon.
Nakahanda para sa search and rescue operations sa Davao Region ang 42 Disaster Response Group teams na may 355 tauhan, ayon sa PCG.
Naka-standby na rin ang mga kagamitan gayan ng 10 land vehicles, 16 motorsiklo, BRP Malamawi, tatlong high-speed response boats, limang aluminum boats, dalawang rubber boats, at isang jetski.
Inatasan din ang lahat ng Coast Guard stations na makipag-ugnayan sa kani-kanilang Disaster Risk Reduction and Management Offices para sa mabilis at koordinadong aksyon.
Tiniyak ng PCG ang kanilang kahandaan upang masiguro ang kaligtasan ng mga komunidad sa harap ng inaasahang masamang panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden