Home NATIONWIDE PCG nakaalerto na sa pag-alburuto ng Kanlaon

PCG nakaalerto na sa pag-alburuto ng Kanlaon

MANILA, Philippines – Nakaalerto ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.

Sinabi ni PCG spokesperson CG Rear Admiral Armand Balilo na ipinag-utos na ni Admiral Ronnie Gil Gavan sa lahat ng PCG response units sa Negros Island na tuylongan ang local government units at iba pang concerned agencies para sa paglikas ng mga residente na maapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

Ayon pa kay Balilo,nakahanda na rin ang deployable response groups (DRGs)at rescue asstes ng Coast Guard District Western Visayas para sa agarang dispatch kung tataas ang pangangailangan.

Inatasan na rin ang Quicl response team (QRTs) mula sa ibang Coast Guard Districts sa Visayas at Mindanao na paganahin at tumulong sa nagpapatuloy na operasyon.

“Our vessels and aerial assets at the National Headquarters here in Manila are now on standby for possible augmentation,” ani Balilo.

“We are in constant communication with our regional counterpart in Negros Island to make sure that the PCG can provide immediate assistance to the affected residential communities,” ibinahagi pa ni Balilo.

Ayon pa kay Balilo, naghahanda na rin ang kanilang katuwang na mga PCG Auxilliary ng kanilang resources at manpower para sa pagsasagawa ng humanitarian missions. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)