Home NATIONWIDE PhilHealth may P89.9B sobrang-pondo

PhilHealth may P89.9B sobrang-pondo

MANILA, Philippines – May labis na pondo na umabot sa P89.9 bilyon ang Philippine Health Insurance Corporation mula sa mga alokasyon ng gobyerno sa nakalipas na tatlong taon, kinumpirma ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr sa harap ng House Committee on Appropriations.

Sa nasabing halaga, P271 bilyon ay mula 2021, P24 bilyon mula 2022 at P38.8 bilyon mula 2023.

Tinawag ng mga mambabatas ang “hndi tumpak na pagtatanya” para sa karagdagang pondo na kailangan ng PhilHealth para sa panahaon at hinimok ang state health insurer na pataasin ang mga benepisyo o babaan ang mga rate ng kontribusyon sa premium.

Ayon pa sa mga mambabatas, hindi magkakaroon ng excess funds kung tama ang pag-compute ng gobyerno .

Ibig sabihin kung tama ang pag-ancipate ng gagastusin p[ara sa ating mga indigent households,para sa seniors, para sa PWD at kayang-kaya naman itong ma-estimate ay magiging tama sana ang isisingil sa gobyerno taun-taon, ayon kay House Committee on Appropriations Vice Chairpersin at Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo.

Kinuwestyon din ng mga mamamabats ang labis na package ng PhilHealth para sa COVID testing na nasa P8,150 sa unang bahagi ng 2020.Sinabi Iloilo 1st District Representatative at dating Health Secreatary Janette Garin ito ay mas mataas sa P2,000 hanggang P2,500 range set ng World Health Organization (WHO).

Ipinaliwanag ni dating Health secretary Francisco Duque na ang test kits ay limitadong suplay at ang global demand ay mataas sa panahon ng initial stages ng COVID pandemic ngunit nabanggit na ang COVID test package ng PhilHealth ay tuluyang bumaba habang ang supply ng mga test kits ay naging matatag.

Ang Pilipinas sa kasagsagan ng pandemya ay pumasok din sa loan agreement sa mga foreign financial institutions para sa $2.21 bilyon kung saan may commitment fee na P162 milyon.Ngunit ang gobyerno ay nagpasya kalaunan na ikansela ang kasunduan para sa loan na nagkakahalaga ng $800 milyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)