MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng kabuuang 24 na barko ng China sa mga pangunahing lugar ng West Philippine Sea mula Hulyo 7 hanggang 13.
Batay sa inilabas na ulat, 21 ang barko ng China Coast Guard (CCG) at tatlo naman ang barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ang namataan sa mga lugar na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Pinakamaraming namataan sa Bajo de Masinloc, Scarborough Shoal na may 13 barko ng CCG.
Mula Hulyo 3-13,2026, namataan ang mga barko ng China sa Bajo de Masinloc (13 barko ng CCG); Ayongin Shoal (4 barko ng CCG); Escoda Shoal (2 barko ng CCG at isang barko ng PLAN) at sa Pag-asa Islands (2 barko ng CCG at 2 barko ng PLAN).
Sa kabuuan, nakapagtala ang PCG ng 24 na barko ng China sa apat na lugar na minomonitor sa loob ng isang linggo.
Bahagi ng lingguhang monitoring ng PCG ang pagsubaybay sa presensya at galaw ng mga dayuhang barko sa West Philippine Sea.
Upang pagtibayin ang pag-aangkin ng bansa, ang mga bahagi ng South China Sea na sakop ng teritoryo ng Pilipinas ay pinalitan ng gobyerno ng pangalang West Philippine Sea na tumutugon sa mga karagatang nasa kanlurang bahagi ng kapulangan ng Pilipinas kabilang ang Luzon Sea at ang mga karagatan sa paligid ,loob at kagabi ng Kalayaan Island Group at Bajo de Masinloc. Jocelyn Tabangcura-Domenden