Home NATIONWIDE PCG nakiramay sa pamilya ng yumaong tauhan sa Davao City

PCG nakiramay sa pamilya ng yumaong tauhan sa Davao City

201
0

MANILA, Philippines – Personal na ipinahatid ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral Ronnie Gil L. Gavan, ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng yumaong tauhan nito sa Davao City.

Ito ay matapos bumisita si Admiral Gaban sa burol ni Lieutenant Junior Grade (LTJG) Glennick Ytang PCG sa Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM), Sasa Wharf, Davao City.

Kasama ni Admiral Gavan si Commodore Rejard Marfe PCG, Commander ng Coast Guard District Southwestern Mindanao.

Tiniyak ang buong suporta ng PCG sa pamilya sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.

Kasabay nito, inactivate ang Kalinga Center ng CGDSEM upang agad na maproseso ang mga benepisyo, claims, at iba pang tulong para sa naulilang pamilya.

Ang PCG ay nakikipag-ugnayan din sa Philippine National Police upang magsagawa ng malalim na imbestigasyon upang masiguro ang pananagutan at maihatid ang nararapat na hustisya.

Pinarangalan ng PCG ang serbisyo at sakripisyo ni LTJG Glennick Ytang at nananatiling kaisa ng kanyang pamilya, mga mahal sa buhay, at mga kasamahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here