Home METRO PCG: P56M floating shabu, narekober sa baybayin ng Palawan

PCG: P56M floating shabu, narekober sa baybayin ng Palawan

293
0

MANILA, Philippines – Umaabot sa P56 milyong halaga ng hinihinalang illegal na droga ang narekober ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine Navy sa isang black dry bag sa karagatan sakop ng Barangay Bagong Bayan, Puerto Princesa City.

Ayon sa PCG, itinurn over ng isang residente ang isang black dry bag na naglalaman ng siyam na rectangular black packages na may label na “ƎB Bugatti” sa Coast Guard Sub-Station (CGSS) Bagong Bayan.

Sakay ng kanyang bangkang pangisda, natagpuan ng residente ang nasabing item habang nangingisda ngunit isinuko ito nang bumalik sa pampang noong Oktubre 9.

Dinala naman ng mga tauhan ng CGSS Bagong Bayan, kasama ang PDEA at kinatawan ng Philippine Navy, ang narekober na droga sa opisina ng PDEA sa WESCOM Compound, Puerto Princesa City.

Sa paunang inspeksyon at Raman spectrometer test, nakumpirma ang presensya ng cocaine hydrochloride.

Itinurn over na rin ang nasabing illegal na droga sa PDEA para sa dokumentasyon at confirmatory testing sa National Headquarters Laboratory.

Bilang tugon, inatasan ng Coast Guard District Palawan ang lahat ng mga istasyon, partikular ang mga nasa kanlurang baybayin ng Palawan, na paigtingin ang pangangalap ng impormasyon at panatilihin ang mas mataas na pagbabantay para sa anumang posibleng katulad na kontrabando.

Hinihikayat din ang mga komunidad sa baybayin na agad na iulat ang anumang kahina-hinalang lumulutang na bagay sa pinakamalapit na Coast Guard o law enforcement unit.

— Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here