Home NATIONWIDE PCG, patuloy paghahanap sa 14 nawawalang Vietnamese sa WPS

PCG, patuloy paghahanap sa 14 nawawalang Vietnamese sa WPS

1
0

MANILA, Philippines — Ipinagpapatuloy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang search and rescue operations para sa 14 na nawawalang tripulante ng Vietnamese cargo vessel na *Khoi Nguyen 18*, na lumubog malapit sa Kagitingan Reef sa West Philippine Sea.

Ayon sa PCG, isinasagawa ng BRP *Malapascua* ang ikaanim na yugto ng operasyon hanggang alas-4 ng hapon nitong Martes. Nagpadala rin ito ng radio broadcast sa mga barkong nasa lugar upang humingi ng tulong at magbantay sa posibleng mga survivor.

Sa kabila ng katamtaman hanggang maalong karagatan, patuloy ang sistematikong paghahanap ng barko habang nakikipag-ugnayan sa iba pang sasakyang-dagat na kalahok sa operasyon.

Pinalakas din ang misyon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga tauhan mula sa Marine Science Technical Service, Special Operations Unit, Coast Guard Medical Service, at Coast Guard Nursing Service.

Lumubog ang *Khoi Nguyen 18* noong gabi ng Hulyo 25 na may sakay na 62 tripulante.

Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na mahigpit ang koordinasyon ng ahensya sa Vietnamese Coast Guard at ginagamit din ang Search and Rescue Optimal Planning System upang mapataas ang posibilidad na matagpuan ang mga nawawala.

Samantala, iniulat ng Chinese state-run news agency na CCTV na mga Chinese rescue team ang nagligtas sa mga Vietnamese sailor malapit sa isang Chinese-occupied reef. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here