Home NATIONWIDE Senior citizens na-isnab sa SONA – solon

Senior citizens na-isnab sa SONA – solon

1
0

MANILA, Philippines — Nalungkot si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes dahil walang malinaw at partikular na programang inilatag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga nakatatandang Pilipino sa kanyang State of the Nation Address.

Sinabi ni Ordanes na inaasahan niyang susuportahan ng Pangulo ang P1,000 universal social pension para sa lahat ng senior citizen anuman ang estado sa buhay. Umaasa rin siyang mababanggit ang panukalang Geriatric Act na magtatatag sa National Center for Geriatric Health.

“Wala man lang malinaw at partikular na programa na nabanggit para sa aming mga senior citizen sa SONA,” pahayag ni Ordanes.

Aminado siyang makatutulong sa maraming nakatatanda ang pagpapalawak ng VAT-free medicines at YAKAP program, ngunit wala umanong tiyak na pangako si Marcos para sa mga edad 60 pataas.

“Nakakalungkot na sa kabila ng malaking ambag ng senior citizens sa ating lipunan, tila nananatiling nasa gilid lamang ang pambansang adyenda ang kanilang kapakanan,” dagdag niya.

Nilinaw ni Ordanes na hindi niya sinisisi ang Pangulo kundi nananawagan lamang ng mas malinaw na pagtutok sa pangangailangan at adhikain ng mga senior citizen.

“BIlang kinatawan ng ating mga nakakatanda, mananatili kaming katuwang ng administrasyon sa pagsusulong ng mga panukala at programang magbibigay ng mas may dignidad at dangal na pamumuhay sa kanila,” pahayag ni Ordanes, chairman ng House Committee on Senior Citizens. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here