MANILA, Philippines- Binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes ang miyembro ng Philippine Coast Guard na nasawi sa multi-vehicle collision na kumitil sa 10 sa toll gate noong Labor Day.
Sakay si Seawoman Second Class Dain Janica Alinas at kanyang asawa ng compact SUV na nasapul sa aksidente. Kapwa sila namatay, habang ligtas ang dalawang taong gulang nilang anak.
”Before I begin, let us take a moment to honor and to remember Seawoman Second Class Dain Janica Rendoque Alinas,” pahayag ni Marcos sa kanyang talumpati sa oath-taking ceremony ng bagong promote na PCG officers.
‘”She is no longer with us, but her courage and dedication continue to live on. Allow me to extend my deepest condolences and prayers to her family and to the Philippine Coast Guard (PCG) community,” dagdag niya.
Nauna nang nangako ng PCG na tutulungan ang naiwang pamilya ni Alinas, kabilang sa 10 biktima sa SCTEX crash sa Tarlac.
Inihayag ni PCG Commandant Ronnie Gil Gavan na bibigyan nila ang pamilya ni Alinas ng P250,000 financial assistance bukod sa tulong mula sa iba pang mga ahensya.
Gagawaran ng parangal si Alinas para sa limang taon niyang serbisyo sa PCG. RNT/SA