Home NATIONWIDE PCG todo-alerto na vs nakatakdang hagupit ni Super Typhoon Inday

PCG todo-alerto na vs nakatakdang hagupit ni Super Typhoon Inday

3
0

MANILA, Philippines – Puspusan na ang paghahanda ng Philippine Coast Guard sa posibleng epekto ng Super Typhoon Inday sa bansa sa mga susunod na araw.

Sa panayam kay PCG Deputy Spokesperson Commander Michael John Encina, sinabi nitong sinimulan na ng ahensya ang pagpapalawak ng kaalaman ng mga residente hinggil sa mga dapat gawin upang manatiling ligtas sa pananalasa ng bagyo.

Partikular na tinututukan ng PCG ang mga residente sa National Capital Region, Northwestern Luzon, Northeastern Luzon, at Bicol, na posibleng maapektuhan ng bagyo.

Nakipag-ugnayan na rin ang PCG sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na nakahanda ang mga deployable response group bago pa man maramdaman ang inaasahang epekto ng sama ng panahon.

Binigyang-diin ni Encina na mahalaga ang koordinasyon sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang mabilis at maaasahang serbisyo sa kasagsagan ng bagyong Inday.

Hinikayat din ng PCG ang publiko na tumutok sa mga weather advisory at unahin ang kaligtasan sa lahat ng oras. Pinaalalahanan din nito ang mga mangingisda at tripulante sa posibleng pagkansela ng biyahe sa karagatan para na rin sa kanilang kaligtasan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here